Friday, December 24, 2010

ZIPPER

Naranasan mo na ba na feeling mo ang astig/ganda ng porma mo tapos pagdating mo sa bahay nyo nalaman mo na bukas pala yung zipper ng pantalon mo?

Nakakahiya mang aminin, pero nangyari na yan sakin. Madalas. Tulad kanina. You know what frustrates me when that happens, sa dinami dami kasi ng pinuntahan ko, hindi alam kung saan bumukas yung zipper ko o kung gano na ito katagal na nakabukas?

But all is well. Di naman yun nakakamatay though nakakahiya sa mga nakakita. Sa susunod sisiguraduhin ko na nakasara ang zipper ko kahit wala namang lilipad at kakawala.

HAPPY CHRISTMAS!

Tuesday, December 21, 2010

legs! legs! legs!

Sa bansang pilipinas parang normal nalang naman kapag naka-shorts mapa-babae man o lalaki. Sa init ba naman ng bansang ito, it's as if we are placed next to hell.

Ako mismo madalas akong mag-shorts. Pero di yung mahalay (iyon ay sa point of view ko). Ayoko kasi yung feeling na may tumitingin sa hita ko. Nakakairita. Di mo alam kung namimintas o humahanga o sadyang manyak lang talaga.

Tulad ngayon, nakasakay ako sa isang jeep. At yung manong na kaharap ko, muntik na nyang tignan ang hita ko. Eh parang sa pagkakatingin nya eh nagmistulang chicken lollipop tong legs ko na masarap dilaan. Nakakairita.

Parang ngayon lang nakakita ng legs. Bakit wala bang legs ang nanay nya? O kaya ang asawa or girlfriend nya?

Ang sarap tusukin at dukutin ng mata nya. Mga lalaki nga talaga. Basta legs. Tsk tsk tsk!

Monday, December 20, 2010

KABAG

Ang sakit ng tyan ko. Ewan ko ba. Basta last thursday pa to eh. Mula nung nakareceive ako ng text mula kay C (kung nabasa mo yung isa kong blog entry kilala mo sya... Pero mas mabuti ng hindi mo sya makilala). Ganito talaga ako kapag kinakabahan o nai-stress. Parang lahat ng lamig na dulot ng kapaskuhan ay pumasok sa katawan ko upang makabuo ng sama ng loob.

Madalas, hindi ko na maintindihan ang sistema ng katawan ko. One day I'm feeling so fit yet after a day or two parang lahat na ng sakit sa katawan ay sumapi na sakin. BRABALIBINTAWAN. Name it.

Ayoko lang ng ganitong pakiramdam. Para kasing konting kibot ko lang may kung anong creature sa tyan ko ang gustong kumawala. I feel so uneasy.

At ang pinaka-ayaw ko sa kabag ay ang libreng Utot. Tsk! Lahat naman tayo umuutot diba. Pero iba kasi ang utot ng kabag. Though walang amoy, malakas at nagsusumigaw ito (oo na, kadiri na kung kadiri. Bakit ba, blog ko ito eh. Tsaka, binalaan ko kayo na wag basahin. Makulit ka kasi ehh).

Eskandalosong utot.
Parang sinabe nito na, "sa wakas! Nakakawala rin! Tayo na mga kapatid kong utot, humayo tayo at manggambala!"

my gaaaaaaaaad!!!

Ikaw ang may kasalanan at nagkakabag ako. SCREW YOU!

Thursday, December 16, 2010

commercial ng safeguard

Sa panahon ngayon, ang dami ng lumalabas na commercial sa telebisyon.
Parte na yata ng kultura natin ang mga ads na ito ng komersyalistang kumpanya.

Marami namang ads ang may sense gaya ng sa Fita, Mcdo, at iba. Pero ang ikitatawa ko ay ang commercial ng Safeguard.

Para kasing tanga! Isang sabon lang kayang gumapi sa halos lahat ng sakit.. IMPOSIBLE! Kahit naman araw-araw kang maligo kung ang tatama sayong sakit ay highblood o cancer wala kang kawala.

Ano yun? Lalantakan ng tao yung sabon.
Naiirita lang ako sa commercial. Di makatotohanan.

:D

Monday, December 6, 2010

Laptop kaya mo yan. Wag kang susuko.

I had my laptop October last year. Plano talaga namin ng mama ko na notebook lang ang bilhin. Bukod kasi sa handy ito hindi rin ito takaw-nakaw. Pero tulad ng karami sa plano, hindi ito nasunod.

Ibinili ako ni mama ng hp-compaq worth 23k. Kung pwede pang lumagpas sa tengga ang ngiti ko nun kakayanin pa dahil sa sobra kong tuwa. Pero lahat ng bagay ay may kapalit. Sabi nga sa economics, "There's no such thing as free lunch". I had to give away my debut party para sa laptop at cellphone. Pero walang regrets doon. Natreat ko naman kasi yung mga kaibigan ko.

Moving on, baka nagtataka ka na kung ano ba talagang pinagpuputo ng butsi ko... Nasira kasi yung laptop. Actually yung charger. Pero diba, kung walang charger, walang laptop. USELESS!

Hayss. All i can say is "HAYSSSS..."

tumblr fails

Hindi talaga ako fan ng Blogger. Napilitan lang ako gumawa ng account dito dahil sa professor ko sa Ecology. Kailangan kasi naming gumawa ng "blog" tungkol sa global warming. Natural lang sa isang masunurin na mag-aaral ang sumunod sa kanyang guro. Pero buti na lang hindi talaga ako all the way obedient, resulta, gumawa ako ng account pero hindi ako gumawa ng blog. Masyado kasing seryoso ang topic na binigay ng prof namin, baka maging katawatawa lang kapag ginawan ko ng blog.

Moving on, ano ba ang relasyon noon sa blog na tinitipa ko ngayon? Well. dun kasi ako unang nagkaroon ng blog account. Pero tulad ng lahat ng "nauuna" madalas ito rin ang mga "unang nakakalimutan".

Para sakin, hindi user-friendly ang Blogger. Ang daming buttons, kung anu-anong link ang lumalabas. HINDI KO MA-GETS KUNG PANO I-OPERATE. In short, nabo-BOBO ako. Kaya minabuti kong kalimutan na lang ang blogging.

Pero nagbago ang lahat ng ma-hook ako sa Tumblr. Nakakatuwa kasi eh. Pwedeng mag-post ng text, quote, videos, link, picture at pwede ka ring mag-ask, at magkaroon ng sangkaterbang kaaway. NAKAKAALIW. Pero nakakasawa.

Naging follower ko na kasi yung iba kong kamag-anak, kaibigan at kaklase. Inisip ko, pano pa ako makakapagblog sa tungkol sa kanila. Sila na rin ang mismong reader ng istorya nila. BUNTONG HININGA. At ngayon, nag-crash ang Tumblr. Hindi ako makapag-blog, tapos bigla kong nakita yung kaibigan ko na may pinost siya na link ng isang blog. Tapos naalala ko ang Blogger.

Ako ngayo'y nagbabalik loob sayo. I will do my best to update you from time to time.


(mas gusto ko yung ganito, yun bang nagsasalita ako pero hangin ang kinakausap ko.)