Monday, December 6, 2010

tumblr fails

Hindi talaga ako fan ng Blogger. Napilitan lang ako gumawa ng account dito dahil sa professor ko sa Ecology. Kailangan kasi naming gumawa ng "blog" tungkol sa global warming. Natural lang sa isang masunurin na mag-aaral ang sumunod sa kanyang guro. Pero buti na lang hindi talaga ako all the way obedient, resulta, gumawa ako ng account pero hindi ako gumawa ng blog. Masyado kasing seryoso ang topic na binigay ng prof namin, baka maging katawatawa lang kapag ginawan ko ng blog.

Moving on, ano ba ang relasyon noon sa blog na tinitipa ko ngayon? Well. dun kasi ako unang nagkaroon ng blog account. Pero tulad ng lahat ng "nauuna" madalas ito rin ang mga "unang nakakalimutan".

Para sakin, hindi user-friendly ang Blogger. Ang daming buttons, kung anu-anong link ang lumalabas. HINDI KO MA-GETS KUNG PANO I-OPERATE. In short, nabo-BOBO ako. Kaya minabuti kong kalimutan na lang ang blogging.

Pero nagbago ang lahat ng ma-hook ako sa Tumblr. Nakakatuwa kasi eh. Pwedeng mag-post ng text, quote, videos, link, picture at pwede ka ring mag-ask, at magkaroon ng sangkaterbang kaaway. NAKAKAALIW. Pero nakakasawa.

Naging follower ko na kasi yung iba kong kamag-anak, kaibigan at kaklase. Inisip ko, pano pa ako makakapagblog sa tungkol sa kanila. Sila na rin ang mismong reader ng istorya nila. BUNTONG HININGA. At ngayon, nag-crash ang Tumblr. Hindi ako makapag-blog, tapos bigla kong nakita yung kaibigan ko na may pinost siya na link ng isang blog. Tapos naalala ko ang Blogger.

Ako ngayo'y nagbabalik loob sayo. I will do my best to update you from time to time.


(mas gusto ko yung ganito, yun bang nagsasalita ako pero hangin ang kinakausap ko.)

1 comment: