Monday, February 14, 2011

My Valentine's Day

Valentine's Day kahapon and at the same time pasahan ng final feasibility study namen.
Pula ang kulay namen, hindi dahil ito ang kulay ng pag-ibig kundi dahil ito ang kulay ng dugo.
Oo, madugo ang araw namin kahapon (lalo na marahil ang araw ng mga kaibigan ko).

Maganda naman ang umpisa ng araw ko yesterday. Dahil ito sa panaginip ko, siya ang bida ng istorya ako naman ang leading lady nya. Napakasaya ng panaginip ko, kaya lang nagwakas ito ng oras na nagising na ko.

Medyo na rush lang kame nung bandang tanghali onwards, nakalimutan kasi ng grupo namen na maglagay ng Statement of Changes in Owner's Equity ehh akala ko din kasi kelangan pa yun. Pero, tulad ng lahat ng akala, mali na naman ako. Ok lang din naman kasi umabot kami sa deadline. Actually, top three kami sa lahat ng forth year na nagpasa.

Nakakaloka na ang mga sumunod na nangyari, para kasing inulan ng kamalasan ang mga kaibigan ko. Though hindi ko sila kagrupo (well, tapos na kami ng mga oras na yun) nababagabag parin ako. Sabe kasi ng prof namen, ang hindi makapagpasa nung araw na yun, automatic DROP. Oh hah?! Sinong hindi kakabahan para sa mga kaibigan niya. Buti nalang mabait si prof at hinintay niyang makapagpasa ang buong section namen bago siya umalis. :)

After nun, dumeretso ang leira 'n friends (as we call it) sa UnliRice (isang popular na tambayan sa mga tulad nameng naghahanap ng alak sa katawan). We drink until we're drunk. I was drunk, though hindi ganun kadame ang nainom ko. Ang taas lang kasi talaga ng tagay at mainit ang lugar. Pero hindi ung lasing na hindi mo makausap ng matino. Alam kong lasing na ako kapag nahihilo na ako at nagmamanhid na ang kamay ko. Buti nga hindi ako gumapang pauwi eh.

Nang nasa tapat na ako ng bahay, tumawag ang pinsan ko. Nasa kanila daw si Mama. Hinahanap ako. Pag pasok ko sa aming tahanan, pinagalitan ako ng tito ko hindi dahil sa amoy alak ako (hindi niya alam na umiinom ako at hindi nya rin mahahalata dahil lagi siyang lasing) kundi dahil ginabe ako ng uwi. Lagot raw ako kay mama. Mayamaya, tumatawag uli ung pinsan ko, si mama na ang kausap ko. Binagyo ako ng mura at pag-uwe daw nya sa bahay patay ako.

Hindi na ako kumaen, pagkabihis ko tulog agad ang ginawa ko. Ayun, pagdating nga ni mama patay na ako. Himbing na himbing ako sa tulog. Ewan ko kung ginigising niya ako. Basta ako, matutulog ako dahil hilong hilo na ako.

Alas dos ng umaga ng naginsing ako dahil sa gutom at hilo. Ganito kasi ako kapag nakainom at hindi sumuka, lalo akong di makatulog. Sinubukan kong isuka ang alak sa sistema ko, grabe ayaw niyang lumabas. Nakiki-usap na ako, ayaw pa rin. Pinisil pisil ko na ang dulo ng dila ko, ayun, bumigay rin. Hindi ako makasuka ng bonggang bongga dahil natatakot akong may makarinig. Alam mo naman ang mga tao, lalo na ang pinoy, mga dakilang chismosa. Inumpisahan ko na ang pagtawag sa mga uwak -- silent type. Ang hirap pala. Pagkatapos kong makipag-communicate sa mga kaibigan kong uwak, kumain naman ako. Di kasi pwedeng mawalan ng laman ang sikmura ko. Galit kasi kame ni Ulcer, baka umatake ehh.

Di ba kapag sumusuka ka parang may naiiwang lasa sa dulo ng dila mo, at hindi yun kaaya aya. Ginawa ko na ata lahat ng paraan para mawala yun pero hindi natanggal. May lasting power, badtrip.

Medyo nahihilo pa ako, dahil sa hindi ko naisuka lahat ng nainom at nakain ko kanina. Isama mo pa ang nakakaduling na ilaw ng laptop. Parang umiikot ang mundo ko habang tinitipa ko ang bawat letra ng post ko na 'to. Sana mapagpasensyahan niyo ako kung may mga pangungusap akong na-type dito na di nyo maintindihan. Sorry naman, lasing lang. haha!

Oh siya. Babalik na ako sa tulog. Nagpaantok lang talaga ako.

GOOD NIGHT!
HEYPI BALEMTAYMS NGA PALA.

(with feelings -- nangingibabaw ang bitterness. Loljk! )

No comments:

Post a Comment