Binigyan kami ni Prof Aris ng gagawin para magkaroon kami ng grade sa reporting.
Pinapunta niya kami sa ODC Plaza para kumuha ng information sa Pool of Machinery Insurance. Bale sa Ayala yun, sa may Arnaiz Ave. Amorsolo street.
Mula PUP, sumakay kami patungong Boni, tapos sumakay kami ng bus papuntang Ayala at bumaba kami sa may Paseo de Roxas.
Mula Paseo, paikot ikot nalang kami. Mga isa't kalahating oras kaming naglalakad.
Habang binabaybay namin ang Amorsolo street, may nakita akong lalaki na nakapula, maputi pero hindi ko makita yung mukha kasi nakayuko sya.
Papalapit na siya sa amin. Dahil sa malabo ang mata ko, halata kapag tinitignan ko ang isang tao. Umi-intsik kasi ang mata ko.
Tumingala yung lalaki. Gwapo. Tsinito, maputi, malinis tignan.
Napangiti ako ng hindi sinasadya.
Hindi ko napigilan ang pag-kurba ng mga labi ko.
Napatingin siya sakin (nakita ko kasi, nagka-eye to eye kami, malabo ang mata ko pwera lang sa mga ganitong instances).
Hindi ko parin natanggal ang involuntary smile sa mukha ko.
Ang susunod na nangyari ang nagpabilis lalo ng pintig ng puso ko at nagpalawak lalo sa ngiti ko.
HE SMILED BACK.
Napakagandang ngiti.
Napaka-gwapong mukha.
Noong nalagpasan na namin siya, di naiwasang hindi ko siya maamoy.
Ang bango nya.
Parang baby na bagong ligo.
Parang si JKL.
Nilingon ko sya, lumingon di naman siya.
Napakabait nya dahil pinabaunan pa nya ako ng isa pang matamis na ngiti.
A few pace passed. Nagtitili ako (pero ung hindi nakakairitang tili), kinikilig kasi ako. Saksi ang mga kaklase ko sa mga naganap. Mapapatotohanan ko ang bawat pahayag ko sa blog post na ito.
At, talagang gwapo sya.
Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang ngiti nya.
Pero sigurado ako na bukas makalawa, burado na sya sa ala-ala ko.
Sayang, hindi ko naitanong ang pangalan niya at nakuha ang numero nya.
Gusto ko kasi siyang kaibiganin.
I stuttered kasi when he smiled, as if the time stood still.
*kilig
Wednesday, March 16, 2011
Saturday, March 5, 2011
CLASS PICTURE
Three years ago pa yata since huli akong nakaranas ng class picture.
4th year highschool ako noon, at ngayon 4th year college na ako nang nasundan.
May apat na shots, binili ko lahat kahit sa lahat ng photos informal ang itsura ko.
Di ko na yata maiaalis yun sa mukha ko. Nangangamba nga ako para sa grad pic ko. Baka mag-give up sakin ang photographer.
Kahapon, naninigil na yung Treasurer namin. As usual, late ako nagbayad. Kanina nga lang ako nag-abot ng pera. Sa totoo lang, di pa dapat ako magbabayad. Pero dahil sa panaginip ko, napilitan akong magbayad ngayong araw.
My dream goes like this,
Nasa bahay ako, tapos may biglang kumatok sa pinto. Pagkabukas ko, isang napakalaking lalaki ang tumambad sa aking harapan. Sinisingil niya ako ng para sa class picture. Nagmatigas ako. Nanlaban. Nakita ko siyang tumakbo papalapit sakin, so i ran.
Feeling ko napakataggal kong tumatakbo sa panaginip ko. Namalayan ko nalang nasa BOSAI na ako. I'm sure of the place kasi dun kami nag-swimming nung birthday ng kaibigan ko. Pagkalingon ko, nandoon na naman siya.
Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang liksi, bilis at flexibility ko at parang sisiw lang sakin ang long range running. As I run, parang familiar sakin yung scenery yet hindi ko maalala kung saan.
Nakakita ako ng tricycle. Sumakay ako. But when we were halfway there, nakareceive si manong driver ng call. And we stopped. Na-sense ko na may masamang mangyayari so i jumped right out of the trike and ran. Napakabilis ko tumakbo, nakasakay na sa motor ang goon na humahabol sakin di parin ako naabutan.
Nakarating ako sa bahay ng tita ko. Nakapagpahinga at nagkwento sa kanila.
When night falls, isang malakas na katok mula sa pintuan ang aming narinig. Parang konti nalang bibigay na ang kawawang pinto.
When I peeked outside nakita ko ung lalaki na humahabol sakin with matching back-up.
Nakakatakot talaga. That's when I decided to pay them my debt of 200pesos.
Nang binuksan ko ang pinto, agad nila akong pinormahan at sinunggaban at pinaulanan ng.....
KILITI.
And that's when I woke up.
Maging sa panaginip ko ay nagtataka ako kung bakit hindi nila ako pinatay.
Alam ko na may nais iparating ang panaginip ko na iyon,kaya naman pagkagising na pagkagising ko nag-gm agad ako sa mga kaibigan ko na kailangan na kaming magbayad para sa class picture.
PREVENTION IS BETTER THAN CURE. :)

Subscribe to:
Posts (Atom)