Wednesday, March 16, 2011

REPORT SA INSURANCE

Binigyan kami ni Prof Aris ng gagawin para magkaroon kami ng grade sa reporting.
Pinapunta niya kami sa ODC Plaza para kumuha ng information sa Pool of Machinery Insurance. Bale sa Ayala yun, sa may Arnaiz Ave. Amorsolo street.

Mula PUP, sumakay kami patungong Boni, tapos sumakay kami ng bus papuntang Ayala at bumaba kami sa may Paseo de Roxas.

Mula Paseo, paikot ikot nalang kami. Mga isa't kalahating oras kaming naglalakad.

Habang binabaybay namin ang Amorsolo street, may nakita akong lalaki na nakapula, maputi pero hindi ko makita yung mukha kasi nakayuko sya.

Papalapit na siya sa amin. Dahil sa malabo ang mata ko, halata kapag tinitignan ko ang isang tao. Umi-intsik kasi ang mata ko.

Tumingala yung lalaki. Gwapo. Tsinito, maputi, malinis tignan.

Napangiti ako ng hindi sinasadya.
Hindi ko napigilan ang pag-kurba ng mga labi ko.
Napatingin siya sakin (nakita ko kasi, nagka-eye to eye kami, malabo ang mata ko pwera lang sa mga ganitong instances).
Hindi ko parin natanggal ang involuntary smile sa mukha ko.

Ang susunod na nangyari ang nagpabilis lalo ng pintig ng puso ko at nagpalawak lalo sa ngiti ko.

HE SMILED BACK.

Napakagandang ngiti.
Napaka-gwapong mukha.

Noong nalagpasan na namin siya, di naiwasang hindi ko siya maamoy.
Ang bango nya.
Parang baby na bagong ligo.

Parang si JKL.

Nilingon ko sya, lumingon di naman siya.
Napakabait nya dahil pinabaunan pa nya ako ng isa pang matamis na ngiti.

A few pace passed. Nagtitili ako (pero ung hindi nakakairitang tili), kinikilig kasi ako. Saksi ang mga kaklase ko sa mga naganap. Mapapatotohanan ko ang bawat pahayag ko sa blog post na ito.

At, talagang gwapo sya.
Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang ngiti nya.
Pero sigurado ako na bukas makalawa, burado na sya sa ala-ala ko.

Sayang, hindi ko naitanong ang pangalan niya at nakuha ang numero nya.
Gusto ko kasi siyang kaibiganin.

I stuttered kasi when he smiled, as if the time stood still.

*kilig

No comments:

Post a Comment