Tuesday, May 17, 2011

BAKIT NAG-ANAK

Mama: Lei, kamutin mo nga likod ko.

Ako: Kaya ka siguro nag-anak para may taga-kamot ka ng likod noh?!

Mama: Tanga! Tinatanong mo kung ba't ako nag-anak eh kasi lumandi ang pekpek.

Madalas talaga mag-green joke si mama.
Sa kanya ko siguro na-adapt yung ganung ugali...

Saturday, May 14, 2011

FRIDAY THE 13TH

2:55pm
may 2 ng interviewee ang lumabas simula ng pagdating ko. Kinakabahan na ako, mukhang ako na ang susunod. Ang sakit pa ng tyan ko, di ko alam kung nate-tense ako o sadyang natatae lang. Lord, help me.


3:02pm
tinawag na yung ate na taga PUP sto. Tomas. Kinakabahan na ako.. LOOOOOORD!


3:07pm
ang lakas ng pintig ng puso ko sa bawat bukas ng pintuan. Arrrrgh!


3:21pm
yey! Tapos na ang interview, pero may isa pa! Haha! Pero next week pa. Wiw! Sa Internal Audit yata ako magpa-final interview. Haha! Mukhang kelangan ko mag-aral ng accounting. Wiiw! :D
(ang tagal naman ni ralph mag-exam)


4:33pm
ang gwapo nung kuya sa elevator. Haha. Tall, rugged, payat, maputi... Urgh! Naalala ko tuloy si...


4:54pm
nakipagtitigan ako kay manong konduktor ng mga 5seconds. Kawindang si manong! Hahaha!


5:10pm
nakakita ako ng batang babae na may ice cream sa mukha, nainggit ako kasi pinupunasan ng daddy nya ung face nya. Nalungkot naman ako bigla.

Friday, May 6, 2011

PAGTATAPOS o PAG-UUMPISA

Ayon sa istatistika, sa bawat sampung estudyante na nagtapos sa elementarya anim lamang ang nakakapagpatuloy sa Hayskul, at sa bawat sampung estudyante na nagtapos sa Hayskul tatlo lamang ang nagkakapagpatuloy sa kolehiyo... at bilang na bilang ang nakakatanggap ng inaasam na diploma.

Totoong napakahirap makuha ang diploma, literally and figuratively.

Unang una, matagal kasi kailangan mong kumpletuhin ang units na required ng course na kinuha mo kahit hindi naman relavant sa kurso mo. Halimbawa, Foreign Language (FL100) pero major in Pilipino ka. OH HAH?! Malas mo lang din kung kumuha ka ng course tulad ng Accounting o Engineering na may grade-policy at qualifying exams. Tigok ka kapag bumagsak ka (parang ako lang).

Pangalawa, kailangan mong magtiis sa mga propesor na mapagsamantala, manyak, mainitin ang ulo, galit sa gobyerno damay na ang mundo at iba pang pyscho-Prof.

Pangatlo, kailangan mo ring makibagay/makisama sa mga kaklase mong di mo maintindihan. Though at some point in time magiging kaibigan mo ang iba (hindi lahat) may mga kaklase ka parin na mahirap talagang ispellengin ang ATTITUDE.

At higit sa lahat ay ang napakabagal na sistema ng pampublikong paaralan.

Pero may good side din naman yun, nagkaroon ako ng mahabang pasensya, natuto akong magpakumbaba at higit sa lahat ay ang MAGHINTAY.

Tapos na ang graduation, nagpaalam na sakin ang Sintang Paaralan, ang mga propesor na luminang sa aking karunungan at ang mga kaklase na humubog sa aking pagkataon ngunit hindi ito ang huli naming pagkikita... alam ko yun.

Pero sa pag-alis ko sa mundo ng kolehiyo, panibagong mundo ang kumakaway sakin.
Ang mundo ng UNEMPLOYMENT.

Oo nga't meron ng trabahong nakaaabang para sakin, pero hangga't hindi pa ako nakakapirma ng kontrata kabilang parin ako sa mga unemployed. Nakakalungkot pero totoo.

But, alam ko na hindi ako magtatagal dito. Ito'y isang proseso na kailangang pagdaanan para sa ikauunlad ng buhay.

KUDOS PUPIAN '11 GRADUATES!

Tuesday, April 19, 2011

ANG SWEET NI JUSTINE EMIBEL A.K.A. KRAS

Justine Emibel: Okay, thanks kras. Mwah!

Me: Muah! Di na ako unli eh. Good nyt my Kras. See you in my dream. :)

Justine Emibel: Okay, I'll go inside your head down right into your heart. hehe! Sweetest dreams
.

I always had this girl-crush on her since we were still at our third year in College.
The first time I saw her, I knew that there's something different on her. She's not like any other beautiful girls I knew.

Maybe, I can also see that she had the same kind of aura like that of what my "huge crush" had. I can see him in her.

We became friends, and I had this endearment for her... "KRAS".
That's like a filipino term for "crush".

Oh well, I'm really becoming so fond of her. She's very sweet and she's like a little sister to me, though I'm younger than her. Is it because of her height? Lols.

ITLOG AT TALONG

(This is about a silly conversation I had with Tian)

Tian: whew. bumalik na ang appetite ko. Haha! dami ko nakain. sawap! :D
(kala monaman napakasarap ng ulam ko e itlog, pritong isda saka saluyot na may sitaw na may talong na nilagyan ng bagoong lang naman ang ulam ko.)

Ako: Mukhang ganadong ganado ka sa pagsubo ng itlog at talong ahh. hahahahaha.

Tian: hahahaha! sinabe mo pa!o.LOL. benta yun ah. haha

Ako: Benta ba?! Ikaw kasi ehh. Binigyan mo ako ng idea. haha. Buti di ka nabilaukan sa talong, di ba may mga buto yun?

Tian: ngak! sa liit naman ng mga buto no'n mabibilaukan pa ba ako dun? Haha. Kaw ba gusto mo ng talong?

Ako:Naku, ayaw ko talaga ng talong... pero kumakain ako ng talong na may binati na itlog. Ano nga bang tawag dun? Gustong gusto ko yun eh.

Tian: Tortang talong yun. sarap nga nun. favorite ko yun eh.

Ako:Yun lang yung talong na kinakain ko. Sarap sarap. Di ba pinipipi ung talong bago ilagay yung binating itlog? haha!

Tian: Kailangan bating-bati yun para maghalo ng hausto yung itlog at talong. masarap kasi kapag parehas mong nalalasahan yun talong saka itlog sa iisang luto.

Ako: Ay oo. Tama ka. Maganda narin yun para isang subuan nalang sa talong at itlog. haha

Tian: Dapat din malaki subo mo dun para lasap na lasap mo. haha! Ang alam ko pinapainitan muna yung talong tas binabalatan. tas pag nabalatan na yun pipigain. Tas makikita mo yung may lumalabas na katas dun sa talong. hahaha.

Ako: Alam na alam mo yung process ng talong ahh. Ikaw na talaga. You're such an expert.

(May iba pa kaming napag-usapan liban sa talong at itlog, at nauwi kami sa usapang ULO)

Ako: Ang taba talaga ng ULO mo tian.

Tian: ULO! hahaha

Ako: Totoo namang mataba ulo mo ahh. Biruin mo yun, naisip mo yung expenditures chorva. Bakit, ayaw mo ng matabang ulo, gusto mo malaki?

Tian: Pwede na yun. mas pangit naman kung sasabihing mahaba ang ulo ko. haha!ALIEN

Ako: Alien. Ang sagwa.

Tian: Ang sagwa talaga, pero pag mahaba ang ulo, matulis yun. hahaha

Ako: haha. naalala ko yung movie na Egghead. Lam mo yun? Oh sya, kakain lang ako ng ibon (chicken). haha

Tian: Di ko lam yang Egghead na yan. Eggplant lang alam ko. sige, kaen ka na. enjoy your Bird.

(after dinner)

Ako: Ang English siguro ng tortang talong eh, EGG-EGGPLANT.

Tian: haha. talino mo dyan. Benta ulit. haha.

(nagtext na si UNLI)

Tian: Takteng yan, magbabad nalang kaya ako sa tubig.. kaliligo lang nararamdaman ko na naman ang pawis. Amp!

Ako: Ano ba kasi ang ginagawa mo at pinagpapawisan ka ng bongga? Haha. O sya. Di na ako unli. nyts. ^___^

Tian: Nagbaba-Taas kasi ako ng tabo kaya siguro pinawisan ulit ako. haha! langya, nagpahabol ka pa ng banat ahh. sige, good night.

(end of text)


Madalas ganito ang usapan naming magkakaibigan.
Sanay na ako sa kanila, sanay na sila sakin.
Siguro kung sa ibang tao ako nakipag-usap ng ganyan, forever buffering ang usapan namin.

Kung sabihin man ng ibang tao na "GREEN" ang utak naman, well... "GREENER" yung kanila. Pano ko nasabi? Kasi, di naman nila maiisip na green ang pinag-uusapan namin unless, in the first place, di nya inisip ang "greeness" ng mga sinabe namin. Na-gets mo ba? Ok lang kung hindi, pero better kung oo.

Sunday, April 17, 2011

I'M SO ANGRY I MADE THIS BLOG POST

It's kind of normal when me and my stepdad fight every Saturdays and Sundays, including Holidays.
He's always drunk and I hate it. It irritates me. Earlier, we had this fight of a lifetime.

Like a bomb, my patience ended. I had spoken harsh words, words I never thought that I'll say when I'm at my proper mind. I even raised my voice to my mom. In that, I kind of feel sorry.

I'm sick and tired of him. For almost ten years of my life, I'm always the one who's supposed to understand, to make adjustments, to be patient and to humble down. I'm exhausted, very exhausted of this kind of life. All I want is to be alone. Away from him. Away from my personal hell.

I told my mom that I'll stay at my aunt's house in Makati. But she would not let me because she's worried of my illness. I really want to escape from this nightmare. I want to go out. But where?

I sent a message to my friends, no one reply except for Shin. I did feel tampo to my friends, but I thought that they don't have a load and shin would be enough.

She asked me what happened and I told her my story. And she asked me if I would want to go out, she wanted to tour me at U.P. Diliman and treat me for a shake. I really want to go but my mom won't let me. She's afraid that I might not come home.

I cut our conversation because I want to close my eyes. Not to sleep but to let it rest from crying.

Wednesday, March 16, 2011

REPORT SA INSURANCE

Binigyan kami ni Prof Aris ng gagawin para magkaroon kami ng grade sa reporting.
Pinapunta niya kami sa ODC Plaza para kumuha ng information sa Pool of Machinery Insurance. Bale sa Ayala yun, sa may Arnaiz Ave. Amorsolo street.

Mula PUP, sumakay kami patungong Boni, tapos sumakay kami ng bus papuntang Ayala at bumaba kami sa may Paseo de Roxas.

Mula Paseo, paikot ikot nalang kami. Mga isa't kalahating oras kaming naglalakad.

Habang binabaybay namin ang Amorsolo street, may nakita akong lalaki na nakapula, maputi pero hindi ko makita yung mukha kasi nakayuko sya.

Papalapit na siya sa amin. Dahil sa malabo ang mata ko, halata kapag tinitignan ko ang isang tao. Umi-intsik kasi ang mata ko.

Tumingala yung lalaki. Gwapo. Tsinito, maputi, malinis tignan.

Napangiti ako ng hindi sinasadya.
Hindi ko napigilan ang pag-kurba ng mga labi ko.
Napatingin siya sakin (nakita ko kasi, nagka-eye to eye kami, malabo ang mata ko pwera lang sa mga ganitong instances).
Hindi ko parin natanggal ang involuntary smile sa mukha ko.

Ang susunod na nangyari ang nagpabilis lalo ng pintig ng puso ko at nagpalawak lalo sa ngiti ko.

HE SMILED BACK.

Napakagandang ngiti.
Napaka-gwapong mukha.

Noong nalagpasan na namin siya, di naiwasang hindi ko siya maamoy.
Ang bango nya.
Parang baby na bagong ligo.

Parang si JKL.

Nilingon ko sya, lumingon di naman siya.
Napakabait nya dahil pinabaunan pa nya ako ng isa pang matamis na ngiti.

A few pace passed. Nagtitili ako (pero ung hindi nakakairitang tili), kinikilig kasi ako. Saksi ang mga kaklase ko sa mga naganap. Mapapatotohanan ko ang bawat pahayag ko sa blog post na ito.

At, talagang gwapo sya.
Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang ngiti nya.
Pero sigurado ako na bukas makalawa, burado na sya sa ala-ala ko.

Sayang, hindi ko naitanong ang pangalan niya at nakuha ang numero nya.
Gusto ko kasi siyang kaibiganin.

I stuttered kasi when he smiled, as if the time stood still.

*kilig

Saturday, March 5, 2011

CLASS PICTURE

Three years ago pa yata since huli akong nakaranas ng class picture.
4th year highschool ako noon, at ngayon 4th year college na ako nang nasundan.

May apat na shots, binili ko lahat kahit sa lahat ng photos informal ang itsura ko.
Di ko na yata maiaalis yun sa mukha ko. Nangangamba nga ako para sa grad pic ko. Baka mag-give up sakin ang photographer.

Kahapon, naninigil na yung Treasurer namin. As usual, late ako nagbayad. Kanina nga lang ako nag-abot ng pera. Sa totoo lang, di pa dapat ako magbabayad. Pero dahil sa panaginip ko, napilitan akong magbayad ngayong araw.

My dream goes like this,

Nasa bahay ako, tapos may biglang kumatok sa pinto. Pagkabukas ko, isang napakalaking lalaki ang tumambad sa aking harapan. Sinisingil niya ako ng para sa class picture. Nagmatigas ako. Nanlaban. Nakita ko siyang tumakbo papalapit sakin, so i ran.
Feeling ko napakataggal kong tumatakbo sa panaginip ko. Namalayan ko nalang nasa BOSAI na ako. I'm sure of the place kasi dun kami nag-swimming nung birthday ng kaibigan ko. Pagkalingon ko, nandoon na naman siya.

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang liksi, bilis at flexibility ko at parang sisiw lang sakin ang long range running. As I run, parang familiar sakin yung scenery yet hindi ko maalala kung saan.

Nakakita ako ng tricycle. Sumakay ako. But when we were halfway there, nakareceive si manong driver ng call. And we stopped. Na-sense ko na may masamang mangyayari so i jumped right out of the trike and ran. Napakabilis ko tumakbo, nakasakay na sa motor ang goon na humahabol sakin di parin ako naabutan.

Nakarating ako sa bahay ng tita ko. Nakapagpahinga at nagkwento sa kanila.

When night falls, isang malakas na katok mula sa pintuan ang aming narinig. Parang konti nalang bibigay na ang kawawang pinto.

When I peeked outside nakita ko ung lalaki na humahabol sakin with matching back-up.
Nakakatakot talaga. That's when I decided to pay them my debt of 200pesos.

Nang binuksan ko ang pinto, agad nila akong pinormahan at sinunggaban at pinaulanan ng.....


KILITI.


And that's when I woke up.
Maging sa panaginip ko ay nagtataka ako kung bakit hindi nila ako pinatay.

Alam ko na may nais iparating ang panaginip ko na iyon,kaya naman pagkagising na pagkagising ko nag-gm agad ako sa mga kaibigan ko na kailangan na kaming magbayad para sa class picture.

PREVENTION IS BETTER THAN CURE. :)

Monday, February 14, 2011

My Valentine's Day

Valentine's Day kahapon and at the same time pasahan ng final feasibility study namen.
Pula ang kulay namen, hindi dahil ito ang kulay ng pag-ibig kundi dahil ito ang kulay ng dugo.
Oo, madugo ang araw namin kahapon (lalo na marahil ang araw ng mga kaibigan ko).

Maganda naman ang umpisa ng araw ko yesterday. Dahil ito sa panaginip ko, siya ang bida ng istorya ako naman ang leading lady nya. Napakasaya ng panaginip ko, kaya lang nagwakas ito ng oras na nagising na ko.

Medyo na rush lang kame nung bandang tanghali onwards, nakalimutan kasi ng grupo namen na maglagay ng Statement of Changes in Owner's Equity ehh akala ko din kasi kelangan pa yun. Pero, tulad ng lahat ng akala, mali na naman ako. Ok lang din naman kasi umabot kami sa deadline. Actually, top three kami sa lahat ng forth year na nagpasa.

Nakakaloka na ang mga sumunod na nangyari, para kasing inulan ng kamalasan ang mga kaibigan ko. Though hindi ko sila kagrupo (well, tapos na kami ng mga oras na yun) nababagabag parin ako. Sabe kasi ng prof namen, ang hindi makapagpasa nung araw na yun, automatic DROP. Oh hah?! Sinong hindi kakabahan para sa mga kaibigan niya. Buti nalang mabait si prof at hinintay niyang makapagpasa ang buong section namen bago siya umalis. :)

After nun, dumeretso ang leira 'n friends (as we call it) sa UnliRice (isang popular na tambayan sa mga tulad nameng naghahanap ng alak sa katawan). We drink until we're drunk. I was drunk, though hindi ganun kadame ang nainom ko. Ang taas lang kasi talaga ng tagay at mainit ang lugar. Pero hindi ung lasing na hindi mo makausap ng matino. Alam kong lasing na ako kapag nahihilo na ako at nagmamanhid na ang kamay ko. Buti nga hindi ako gumapang pauwi eh.

Nang nasa tapat na ako ng bahay, tumawag ang pinsan ko. Nasa kanila daw si Mama. Hinahanap ako. Pag pasok ko sa aming tahanan, pinagalitan ako ng tito ko hindi dahil sa amoy alak ako (hindi niya alam na umiinom ako at hindi nya rin mahahalata dahil lagi siyang lasing) kundi dahil ginabe ako ng uwi. Lagot raw ako kay mama. Mayamaya, tumatawag uli ung pinsan ko, si mama na ang kausap ko. Binagyo ako ng mura at pag-uwe daw nya sa bahay patay ako.

Hindi na ako kumaen, pagkabihis ko tulog agad ang ginawa ko. Ayun, pagdating nga ni mama patay na ako. Himbing na himbing ako sa tulog. Ewan ko kung ginigising niya ako. Basta ako, matutulog ako dahil hilong hilo na ako.

Alas dos ng umaga ng naginsing ako dahil sa gutom at hilo. Ganito kasi ako kapag nakainom at hindi sumuka, lalo akong di makatulog. Sinubukan kong isuka ang alak sa sistema ko, grabe ayaw niyang lumabas. Nakiki-usap na ako, ayaw pa rin. Pinisil pisil ko na ang dulo ng dila ko, ayun, bumigay rin. Hindi ako makasuka ng bonggang bongga dahil natatakot akong may makarinig. Alam mo naman ang mga tao, lalo na ang pinoy, mga dakilang chismosa. Inumpisahan ko na ang pagtawag sa mga uwak -- silent type. Ang hirap pala. Pagkatapos kong makipag-communicate sa mga kaibigan kong uwak, kumain naman ako. Di kasi pwedeng mawalan ng laman ang sikmura ko. Galit kasi kame ni Ulcer, baka umatake ehh.

Di ba kapag sumusuka ka parang may naiiwang lasa sa dulo ng dila mo, at hindi yun kaaya aya. Ginawa ko na ata lahat ng paraan para mawala yun pero hindi natanggal. May lasting power, badtrip.

Medyo nahihilo pa ako, dahil sa hindi ko naisuka lahat ng nainom at nakain ko kanina. Isama mo pa ang nakakaduling na ilaw ng laptop. Parang umiikot ang mundo ko habang tinitipa ko ang bawat letra ng post ko na 'to. Sana mapagpasensyahan niyo ako kung may mga pangungusap akong na-type dito na di nyo maintindihan. Sorry naman, lasing lang. haha!

Oh siya. Babalik na ako sa tulog. Nagpaantok lang talaga ako.

GOOD NIGHT!
HEYPI BALEMTAYMS NGA PALA.

(with feelings -- nangingibabaw ang bitterness. Loljk! )

Monday, January 24, 2011

Waley!

mama: Lei, alam mo ba, nagka-crush sayo yung messenger kahapon.

ako: oh talaga.

mama: tinanong nga kung kaano-ano kina. sabi ko anak kita, ayaw ba naman maniwala. sabi ko nga, "ayaw mo talagang maniwalang anak ko sya? oh sige kapatid ko na lang siya. magkapatid kami. ok na sayo yun?"

Grabe ang tawa ko kaninang umaga dahil kay mama. Natututo na sakin ahh. :)